Thursday, July 5, 2012

Sa Panahon ng PBB Teens

 "Ilang ulit na akong nagmahal; ilang ulit na rin akong nasaktan.."

Ang drama! Hindi naman totoo 'yun. Ewan. Hindi ko naman talaga alam kung ilang beses na akong nagmahal. Minsan akala ko mahal ko na pero PBB Teens lang pala. Akala ko this is it, this is really is it na, pero waley pala. Paano mo nga ba malalaman kung in love ka na?

May nabasa ako dati, ang "crush" daw ay nagtatagal lang ng apat na buwan. Kapag lumampas na sa hangganang iyon, "love" na raw 'yon. Ay, 'sus! Eh 'di andami ko na palang minahal. Kapag nagkacrush kasi ako, wagas na wagas, pak na pak! Syut sa banga, 3-points sa paso! Taon ang binibilang 'pag nagkacrush ako. Ibig bang sabihin nun minahal ko sila? 'Langya, puro naman ako bigo sa mga 'yun. Sawi. Friendzoned. Brokenhearted. Laslas-pulso. Olats.

Bakit ba ang hirap makahanap ng taong mamahalin mo at mas magmamahal sa 'yo? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, doon ka pa nahuhulog sa maling tao. At ang masaklap pa diyan, hulog na hulog ka, una pwet. Kulang na lang ihampas na ng mga BFFs mo ang ulo mo sa pader para matauhan ka pero wala.. Ayan ka pa rin, nagpapakamartir. Shunga ka, teh?

Bakit ba hindi madaling makahanap ng love? Sana parang pagtatanong lang 'yan ng kung paano mo malalamang flat ang gulong mo. Kapag Ginoogle mo lang, lalabas na. Marami pang mapagpipiliang sagot. Pero hindi ata kasi ganoon ang trip ni God. Paano mo nga ba ikekwento sa mga anak, apo, at kaapu-apuhan mong "Ginoogle ko lang si Daddy"? Pero may mga pagkakataon ngang gano'n. Sa Internet nagkakakilala tapos made for each other pala sila. Kaso ibang topic 'yan, hindi ko 'yan sakop dahil hindi pa naman 'yan nangyayari sa 'kin.

Minsan naisip ko na mas madali siguro makahanap ng kapareha kung ang tao ay may sign sa noo na nakasulat kung ano ang mga traits nila. Pagkalabas mo ang makakasalubong mong mga lalaki (sige na, pati na rin mga babae) ay may papel na nakadikit sa noo. 'Yung isa nakasulat, "Oh, huwag ito. Tatlo na girlfriend nito at the moment," 'yung isa naman, "Malapit na 'tong magka-AIDS. Unsafe ka, friend." 'Eto pa 'yung ibang pwede:

  • 'Yung huling iniwan nito nabaliw sa kagustuhang magpapayat at palabasin ang collar bone.
  • Pwede na.. Pwede nang maging tatay mo.
  • Walang pangarap. Sa barko lang naman din daw ang bagsak.
  • Boring to the highest level.
  • Sobrang daming helium na nasagap nito nung kabataan kaya lumobo ang ulo. Masyadong mahangin.
  •  Hindi pa nakaka-move on sa ex. Rebound ka lang, girl.
  • Takot sa commitment. Mag-DotA na lang kayo.
  • Over-possessive. Period
  • Masyadong mababa ang tingin sa sarili. Nega star Sharon Cuneta ang peg.
  • Mayaman. Galante. Bahong-hininga.
Tapos hindi ka na makakarating ng school sa kahahanap sa noong may papel na nakasulat ay "Mr./Ms. Right."

Cheesy! "Mr. Right." LOL. LMAO. LMFAO. ROFLMAO. ROFROFLMAOLMAO. Hahahahaha. Pinaglololoko n'yo ba 'ko? Sino bang sumulat nito? Nababaliw na 'ata. Hehe. nagbibiro lang. :-) Pero aminin mo, hinahanap mo si Mr. Right. Wala ka nang pakialam kay Mr. Perfect o Mr. Nice Guy o Man of your Dreams kasi maaaring hindi naman sila ang para sa 'yo. Mr. Right / The One. Siya na talaga. Pik pak BOOM!

Eh asan na nga s'ya? Malas ba 'ko sa pag-ibig? Bakit lahat iniiwan ako. Errmagaaaaah forever alone. Diyos ko naman, teh. Disi-nuwebe ka pa lang, kung maka-emote ka naman d'yan. Hindi ka malas at lalong hindi ka forever alone. Marami na'ng nakapagsabing marami ka pang makikilala pagka-graduate mo o sa trabaho. Kasama na sa mga nagsabi n'yan ang magulang mo, pustahan na. Pero tama sila. Ang kapal naman ng mukha ko para sabihing huwag kang magmadali pero HUWAG KANG MAGMADALI.

Ayaw ko sanang mangaral dahil wala naman ako sa posisyon pero pinilit mo ako sa kakangawa mong forever alone ka. Mahaba pa ang buhay. Maraming mga bagay ang masarap i-enjoy ng walang kapareha. Kahit 'yang naiisip mo, pwede (with extra precautions). Humanap ka ng barkadang puro single, tingnan mo, ang saya. Parang tanga lang kayong tumitingin sa mga lalaking dumadaan sa pasilyo ng school tapos magtatawanan na lang kayo kasi.. wala lang. Masaya ang buhay.

Mga post mo sa Facebook puro tungkol sa kabiguan mo sa love. Tama ka na. 80% sa mga nakakabasa n'yan ay walang pakialam at ang natitirang 20% ay nasusura sa mga post mo. Baka mag-unsubscribe pa sila sa 'yo. Magpost ka na lang ng mga pics ng cute na hayop.



Hulyo na naman. Tag-ulan. Parang ang sarap umibig. May alam akong taong naghihintay na mahalin mo s'ya at mamahalin ka rin n'ya nang lubos lubos -- ang sarili mo. Kapag nagawa mo s'yang mahalin, epek na teh! Love love love!




July 04, 2012
10.15AM-10.56AM

2 comments: